Thursday, October 8, 2015

Tula Para sa Mga Sikat at Sisikat Pa

Tula Para sa Mga Sikat at Sisikat Pa


Nawa'y huwag kang mabulag
sa tindi ng ilaw entablado,
dahil baka
sa silaw,
di ka na niya maaninag.


Nawa'y huwag kang mabingi
sa mga tili at hiyawan,
dahil baka
sa ingay,
di mo na marinig ang tibok ng puso niya.


Nawa'y huwag kang mahilo
sa tugatog ng kasikatan,
dahil baka
sa dumog ng sumasamba,
mawalan ng puwang


ang mahalagang ISA;

ang sabay na payapang pagsilay sa bukang-liwayway;

ang pagyapos sa tunay na minamahal sa duyan ng dapithapon.


Nawa'y may puwang ka,
Nawa'y may puwang ka pa,
sa mahalagang isa.


MVLE
10/8/2015
Rochester, MN

No comments:

Post a Comment